Sa Isang Salita : 'Pagtangis' ni Msgr. Noel
17 November 2022
 
Pagtangis

May isang Simbahan sa Holy Land na ang tawag ay "Dominus Flevit," (ang kahulugan ay "Ang Panginoon ay tumangis"). May dalawang pagkakataon lamang ipinakita sa ebanghelyo na si Hesus ay umiyak. Ang una ay sa pagkamatay ni Lazaro na kanyang kaibigan; at ang ikalawa ay nang makita niya ang Lungsod ng Jerusalem. Sang-ayon sa tradisyon, sa pook na pinagtatayuan ng nasabing Simbahan tumangis si Hesus dahil batid niya ang napipintong pagkawasak ng Banal na Lungsod.

Habag at pagmamahal ang dahilan ng kanyang pagtangis. Subalit may kahalong panghihinayang ang pagtangis niya para lungsod ng Jerusalem. Aniya: "Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon, ni ang pagdalaw, ng iyong Diyos."

Sa ating panahon, ang lahat ng lugar at oras ay okasyon ng pagdalaw ng Diyos. "We do not find God in a specific place because God can be found in every place."

Pagyamanin natin mga oportunidad na ibinibigay ng bawat araw. Nawa'y hindi tumangis si Hesus sa panghihinayang dahil hindi natin tinugon ang panawagan sa pagbabago. Carpe diem!

*Huwebes sa Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN