Sa Isang Salita: 'Kaibigan' ni Msgr. Noel
05 December 2022
 
Ang taong karamay natin sa panahon ng pangangailangan ay isang tunay na kaibigan. Hindi lamang siya nagsisilbing presensya ng Diyos sa ating buhay. Siya ay naghahatid din sa atin patungo sa Diyos.

Ito ang ginawa ng mga taong nagdala ng isang lumpo sa harapan ni Hesus. Sila ay mga tunay na kaibigan. Dinala at inilapit nila siya kay Hesus. Tinanggap ng lumpo ang grasya ng kagalingan dahil sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

Ang pagbubuo ng sambayanang Kristiyano ay nagsisimula sa pakikipagkaibigan. Nagkakaroon ng mukha ang katawan ni Kristo sa lupa, ang Simbahan, sa mga taong nagdadamayan. "The Church happens when people come together and become friends."

Papangyarihin natin ang diwa ng Simbahan sa ating kapitbahayan. Tayo ay katiwala ng Diyos sa pagbubuo ng kanyang sambayanan dito sa lupa.

*Lunes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN