Sa Isang Salita: 'Inmaculada Concepcion' ni Msgr. Noel
08 December 2022
 
Ang Inmaculada Concepcion ay HINDI tumutukoy sa: × birthday ni Mama Mary, × o sa paglilihi ni Maria sa kanyang Anak, si Hesus;

/ Ang birthday ni Mama Mary ay ipinagdiriwang ng Simbahan tuwing ika-8 ng Setyembre
/ samantalang ang paglilihi ni Maria kay Hesus ay ipinagdiriwang sa Marso 25, ang Solemnity of the Annunciation

Ang Inmaculada Concepcion ay tumutukoy sa:

+ Kalinis-linisang paglilihi kay Maria ng kanyang Ina na si Sta. Ana.

??Basahin:

Sa bisa ng Konstitusyon Apostoliko, “INEFFABILIS DEUS”, na inilimbag noong Ika-8 ng Disyembre 1854, ipinahayag ni Papa Pio IX bilang dogma ng Simbahan "na ang Mahal na Birheng Maria, sa simula pa lamang nang paglilihi sa kanya, sa isang natatanging biyaya ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga merito ni Kristo, Tagapagligtas ng sangkatauhan, ay naligtas sa anumang bahid ng kasalanang orihinal."

Paliwanag:
- si Maria ay ipinaglihi ng kanyang ina na si Sta. Ana na walang kasalanang mana (Inmaculada Concepcion);

[Ang 'Inmaculada Concepcion' ay hindi tumutukoy sa paglilihi ni Maria sa kanyang anak na si Hesus (na ang angkop na tawag ay "virginal conception.")]

- ito ay natatanging biyaya ng Diyos sa Mahal na Birhen;

- tinanggap ni Maria ang grasyang ito bilang paghahanda sa kanyang natatanging lugar sa kasaysayan ng pagliligtas bilang Ina ng Diyos;

- si Maria ay iniligtas sa bisa ng sakripisyo ng kanyang Anak na si Hesus

- ang pagliligtas na ito ay naganap sa natatanging paraan, na tinatawag na "preservative redemption" (preredemptio).

*Kapistahan ng Inmaculada Concepcion

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN