 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Katuparan' ni Msgr. Noel |
| 10 December 2022 |
| |
|
Ang Diyos ay tapat sa kanyang pangako. May dahilan ang tao para umasa. Tiyak na matutupad ang kanyang plano sa takdang panahon.
Subalit kung minsan, hindi handa ang ating puso. May iba tayong inaasahan. Ang hinangad natin ay hindi ayon sa nais ng Diyos. Tulad ng regalo, hinuhusgahan natin ito batay sa ganda ng pambalot, at hindi sa halaga ng laman nito.
Ganito ang istorya ng pagliligtas ng Diyos. Mahabang panahon itong hinintay ng sangkatauhan. Isugo si Juan Bautista ngunit hindi siya pinaniwalaan. Nang dumating ang Mesias, hindi rin siya kinilala at tinanggap ng kanyang bayan.
Huwag nating sayangin ang regalo ng pagdalaw ng Diyos sa ating buhay. Alisin ang mga balakid sa ating puso. Gamitin natin ang pananaw ng Diyos para makita Siya sa anyo at hugis na kalimitan ay taliwas sa pamantayang makatao.
*Sabado sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|