Share the Thought by Msgr. Andro
03 January 2023
 
"Nakita ko." Wala nang alinlangan pa kapag ikaw mismo ang nakakita. Ni hindi ka na kukwentuhan pa dahil nakita mo na. Sa ebanghelyo ngayon ay tatlong ulit na nagpatotoo si Juan Bautista sa pagsasabing "Nakita ko." Siya mismo ang nakasaksi. Nakita niya na bumababa ang Espiritu kay Jesus. Ngayon ay muli niyang nakita si Jesus na siyang "Kordero ng Diyos." Kung nakita at nakatagpo na rin natin ang Panginoon, may gampanin tayong magpatotoo.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN