 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Ilang' ni Msgr. Noel |
| 03 January 2023 |
| |
|
Sa biblia, ang ilang ay lugar ng pag-iisa at pagninilay. Malayo sa kaabalahan ng buhay sa lungsod, ang karanasan sa ilang ay nagbibigay ng panahon para manalangin at makipagniig sa Diyos. Dito namuhay si Juan Bautista bago magsimula ng kanyang misyong ihanda ang daraanan ng Mananakop. Sa katahimikan, naging matalas ang kanyang pandamdam na espiritwal. Naging handa ang kanyang puso para kilanlin at maipahayag si Hesus bilang Mesias na hinihintay ng sangkatauhan.
Kailangan din natin ang karanasan sa ilang. Sa pananahimik at pananalangin, mararanasan ang pagkilos ng Espiritu sa ating buhay. Sa gitna ng ingay ng nagdaang pagdiriwang, sana ay makapaglaan tayo ng espasyo para tumiim ang mensahe ng Pasko sa ating puso at maipahayag ito sa ating buhay.
*Enero 3 bago mag-Epipaniya |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|