 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 04 January 2023 |
| |
|
|
Mga karaniwang tanong -- "Saan ka nakatira? Saan ang bahay nyo? Ano ang address mo?" Si Jesus man ay tinanong din, "Saan po kayo nakatira, Rabi?" Hindi kumpleto ang salaysay ng ebanghelyo. Hindi sinabi kung saan talaga. Basta sinabing "nakita nila ang kanyang tinitirhan." Mapapaisip tayo. Ano kaya ang hitsura ng naging tirahan ni Jesus? At wala nang sasagot sa atin. Hindi na naman 'yon mahalaga. Nasa Simbahan siya lalo sa Eukaristiya. At sa iba pang lugar at pagkakataon. Huwag ka nang lumayo. Siya ay nasa puso mo. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|