Sa Isang Salita: 'Tahanan' ni Msgr. Noel
04 January 2023
 
Ang tahanan ay hindi lamang isang lugar. Ito ay espasyong espiritwal na nalilikha bunga ng mabuting ugnayan at pagmamahal.

Ang tanong ng mga alagad ni Juan kay Hesus kung "saan siya nakatira," ay isang pagpapahayag ng malalim na inaasam ng puso. Nais nilang makilala nang lubusan si Hesus. Gusto nilang lumalim ang kaugnayan sa kanya. Dahil naranasan nila ang kanyang pagmamahal at pagpapatawad, nais nilang manatili, hindi sa "tirahan" o bahay ni Hesus, kundi sa kanyang paggabay at pagkupkop.

Ang pagiging Kristiyano ay di katulad ng palamuti ng pasko na ipinapahiyas lamang nang pana-panahon. Nakaugat ito sa personal na ugnayan kay Hesus. Bilang mga binyagan, magagawa lamang nating magbigay saksi kay Hesus kung una nating naranasan ang kanyang pagkilos sa ating buhay.

*Enero 4 bago mag-Epipaniya

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN