 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 05 January 2023 |
| |
|
|
"Wala kang aasahan diyan!" Masakit ang pananalitang ito. Parang mga salita ni Natanael, "May magmumula bang mabuti sa Nazaret?" Hindi niya iisiping may isang Jesus na taga-Nazaret na magiging Mesiyas. Ang reaksyon ni Natanael ay larawan ng saloobin ng marami sa atin. Hindi tayo makapaniwala kapag sa hamak na bayan ay lumitaw ang isang taong marunong. Nagugulat tayo na sa isang mahirap na angkan nagmula ang isang kilalang doktor. Huwag tayong humusga. Sa gabing madilim, may maliwanag na bituin. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|