 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagpapakita' ni Msgr. Noel |
| 05 January 2023 |
| |
|
Nang tawagin si Natanael, sinabi ni Hesus sa kanya, "Halika at nang iyong makita." Nang tugunin niya ang paanyayang ito, higit pa sa kanyang inaasahan ang kanyang nakita. 'Nanalig' siya kay Hesus. Higit pa sa biyayang ipinagkaloob kay Jacob (na sa Lumang Tipan ay biniyayaan ng banal na pangitain), 'nakita' niya kay Hesus ang presensya ng Diyos sa ating gitna.
Tayong mga binyagan ay mga tunay na Israelita. Inanyayahan at tumugon sa paanyaya ni Hesus. "Come and see." Tingni: si Hesus ang Diyos na sumasaatin.
Sa pananalig, mararanasan natin ang pamamalagi ng Diyos hindi lamang sa loob ng gusaling Simbahan, kundi sa araw-araw na buhay.
Tuwing sumisimba tayo sa araw ng Linggo, ipinagdiriwang natin ang Diyos na ang presensya ay nararanasan na natin araw-araw.
Lahat tayong ng 'nakakita' kay Hesus ay may panawagang nagbigay-saksi sa kanya. Kaakibat ng biyaya ng pagkikipagtagpo kay Hesus ay ang tungkulin na ipakilala siya sa iba.
*Enero 5, Huwebes bago ang Pagpapakita ng Panginoon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|