Sa Isang Salita: 'Ambag' ni Msgr. Noel
07 January 2023
 
"Do your best and God will do the rest." Sa pagbibiyaya ng Diyos, ang salat ay magiging sagana; anumang kulang ay magiging sapat at labis pa.

Sa istorya ng ministeryo ni Hesus, laging nagsisimula ang himala sa kaunting pinagpunyagian ng tao. Mula sa limang tinapay at dalawang isda, nakakain ang limang libo at higit pa. Ang tubig sa tapayan ay naging masarap at mamahaling alak doon sa kasalan sa Cana, Galilea.

Kahit na maliit at konti ang ambag ng tao, kapag ito ay inihandog sa mapagpalang kamay ng Diyos, dadami at sasapat para pakinabangan ng lahat.

Nagaganap ang epipaniya o pagpapakita ng Diyos kung ang bawat isa sa ating pamayanan ay matututong mag-ambag ng kahit munting pagpapala ng Diyos para itaguyod ang kabutihang pangmadla.

*Enero 7, Sabado bago mag-Epipaniya

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN