Sa Isang Salita: 'Journey' ni Msgr. Noel
08 January 2023
 
Tulad ng mga Mago na naglakbay upang hanapin ang Mesias, ang ating buhay isang patuloy na paghahanap sa Liwanag. Ano ang ating gabay sa ating paglalakbay sa buhay?

C-all : tala ang ginamit ng Diyos para tawagin ang mga pantas. Sino o ano kaya ang 'star' ng buhay mo na nagdala sa 'yo kay Kristo?

C-onstancy: 24-7 at "unli" ang effort ng mga pantas para hanapin si Hesus. Hindi sila natakot sa banta ni Herodes. Tunay na walang pahinga sa taong 'committed' na sa Diyos. Walang tigil ang paglilingkod ng tatay o nanay sa pamilya. Ang pagsunod sa Diyos ay di lang ginagawa "pag may time."

C-onfession: nang makita nila ang sanggol, ang mga pantas ay lumuhod at sumamba. Sa pananalig, dapat ay handang magpahayag ng PDA (o public display of adoration). Di dapat itago o ikahiya ang ating pagka-Kristiyano.

C-ost: sa nananalig, handang isuko ang lahat ng mahalaga sa kanya (ginto); ang kanyang pagsamba at lahat ng ukol sa Diyos (kamanyang); at maging ang kanyang buhay at kamatayan (mira)

C-onversion: "at nagbago na sila ng daan pauwi." Sa pagpasok ng Bagong Taon, maraming hinihinging pagbabago, di lamang ng asal, kundi pati na rin sa uri ng pamumuhay, damit, pagkain at libangan.

*Linggo pagka-Bagong Taon, Kapistahan ng Epifania

(Ang Linggo pagka-Bagong Taon ay Kapistahan ng Epipaniya - Ang pagpapahayag ni Kristo sa mga Mago, na kumakatawan sa mga hentil, mga di-Judio, na naghahanap sa tunay na Diyos)

- 5Cs adopted from "Catholic On Fire" i-net site

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN