 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 08 January 2023 |
| |
|
|
Makahulugan ang lugar kung saan isinilang ang sanggol na si Jesus. Ang ibig sabihin ng "Bethlehem" ay "house of bread." Dito unang nalantad at nagpahayag ang bagong silang na Manunubos na magiging "Tinapay ng Buhay." Hindi lamang mga pantas ang mapalad na nakatagpo kay Jesus. Tayo rin ay may karanasan ng "epinaniya" o pagpapahayag ng Panginoon. Bawat altar ay Bethlehem. Bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay pakikipagtagpo kay Jesus. Tayong mga dumadalo sa Misa, kaypalad natin. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|