Share the Thought by Msgr. Andro
12 January 2023
 
May pagkakataong okey din magMarites. Sa ebanghelyo ngayon ay may isang halimbawa. Ipinagbawal ni Jesus na ipamalita ang ginawa niyang pagpapagaling dahil sa tinatawag na "secret Messiahship" sa ebanghelyo ni San Marcos. Hindi naman nakapagpigil ang dating ketongin. Namalita siya. NagMarites, kumbaga. Pero positibong pagbabalita ito. Nais niyang ilantad ang kamangha-manghang gawa ng Diyos. Naging "gospel gossiper" siya at nagtanong "Alam nyo ba ang latest? Mabait ang Diyos!" Okey ang pagkaMarites nya, di ba?

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN