Share the Thought by Msgr. Andro
14 January 2023
 
Ang hanap ng mekaniko ay sirang makina. Ang hanap ng doktor ay taong may karamdaman. Ang hanap ni Jesus ay makasalanan. Ito ang sagot sa tanong kung bakit nakikisama ang Panginoon sa mga makasalanan at maniningil ng buwis. Bakit pa niya hahanapin ang mga banal gayong sila ay kapiling na niya? Kahit mga magulang ay hindi na mag-aabala pa sa mabait na anak. 'Yong suwail ang kanilang susubaybayan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN