 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 15 January 2023 |
| |
|
|
Kinagigiliwan ng lahat na pagmasdan ang larawan ng Santo Nino. Litaw na litaw ang pagkabata ni Jesus. Likas naman tayong maibigin sa mga bata. Kahit ang Panginoong Jesus ay nagpahalaga sa mga musmos. Dapat daw ay tularan ang mga bata upang mapabilang sa pinaghaharian ng Diyos. Aling katangian ng bata ang tutularan natin? Ang pagiging bukas o "receptive." Lahat ay tinatanggap. Sana ay ganoon tayo - may pusong dalisay, bukas sa lahat, walang pinipili. Kaylinis na katauhan! |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|