Sa Isang Salita: 'Bato-Balani' ni Msgr. Noel
19 January 2023
 
Bakit kaakit-akit ang buhay ng isang taong banal? Sapagkat ang kanyang buhay ay salamin ng minimithi ng nating maganap sa ating sarili. Tinitingala natin ang mga huwarang dapat pamarisan.

Sa ebanghelyo, inilarawan si Hesus na sinusundan at dinudumog ng napakaraming tao saan man siya magpunta. Uhaw ang mga tao sa aral ng ebanghelyo. Pero higit sa lahat, naghahanap sila ng modelo ng buhay na inaasam ng lahat: isang ganap at kasiya-siya.

Ayon sa teolohiya, "holiness is the connatural fruit flowing from the acceptance of the Christian message." Sa ating panahon, kabanalan ang pinakamabisang patotoo sa kredibilidad ng ebanghelyo. Ang buhay ng taong banal ay buháy na patunay na mabisa at nakapagpapabago ang manalig kay Hesus at sa kanyang ebanghelyo.

*Huwebes sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN