Bishop's Circular Letter
20 January 2023
 
+* *
THE ROMAN CATHOLIC BISHOP OF LUCENA
SENTRO PASTORAL NO DIOCESIS
LUCENA DIOCESAN COMPOUND
P.O. Box 60
ISARANO 4301 LucENA CrTY
PHILIPPINES
TELEPHONE: 0917-117-6702
EMAIL: bpmelreyuy@gmail.com

SIRKULAR
Bilang 03, Serye 2023
PARA SA: BANAL NA BA YAN NG DIYOS SA DIOCESIS NG LUCENA,
TUNGKOL SA: PAGSIMBA TUWING ARAW NG LINGO AT MGA PIYESTANG
PANGILIN

Dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, ang mga pagdiriwang ng Liturhiya, lalo na ang Banal na
Misa, ay pansamantalang hindi pinahintulutan upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng virus.
Noong ika-13 ng Marso taong 2020, naglabas ang CBCP ng isang liham sirkular na pinamagatang
"Depending on the given circumstances, the Local Ordinaries may exercise their prerogative lo
dispense the faithful from the Sunday and the Holy Days of Obligation" (cf. Circular No. 20-14,
n.2). Kaugnay nito, ang mga mananampalataya ng Diocesis ng Lucena ay binigyan ng
"dispensation" sa pagtupad sa obligasyon sa Araw ng Linggo at mga Araw ng Pangilin.
Noong nakaraang Oktubre 14, 2022, naglabas muli ang CBCP ng liham sirkular na humihimok sa
mga mananampalataya sa pagtupad ng obligasyon sa araw ng Linggo, sa pakikiisa sa pagdiriwang
ng Eukaristiya na may dalisay na puso, kasigasigan, at higit na pagnanais na makatagpo ang
Panginoon upang tanggapin at ipahayag sa sanlibutan na puno ng pananampalataya, pagmamahal
at pag-asa. Kaya hinihimok ang mga mananampalataya ng Diocesis ng Lucena na tuparin ang
obligasyon tuwing araw ng Linggo at mga Araw ng Pangilin na may gabay at pagsunod sa "health
protocols."
Sinabi ni Santo Papa Francisco, "Ang mga Kristiyano ay palaging nagsasama-sama tuwing lingo
sa pangalan ni Hesus, isang gawain na nag-uugnay bilang Simbahan. Dapat tayong manalangin
kasama ang bawat isa."
Kaya, tulad ng mga unang Kristiyano na "nagtipon sa araw ng Linggo upang sambahin ang
Panginoon" at ang simbahan bago ang pandemya dulot ng Covid-19 virus, nawa'y magkasama-
sama muli tayong making ng Salita ng Diyos at makibahagi sa Eukaristiya tuwing Araw ng
Linggo at mga Araw ng Pangilin.
Ibinigay ngayong ika-18 ng Enero 2023 dito sa Sentro Pastoral ng Diocesis, Isabang, Lungsod ng
Lucena.

 
   
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN