 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Salita' ni Msgr. Noel |
| 22 January 2023 |
| |
|
Nag-iyakan sa galak ang mga tao sa isang pook sa Coron, Palawan nang malagyan ng solar-powered lights ang kanilang barangay. Nailawan ang lugar na matagal nang mamuhay sa dilim. Para sa kanila, ito'y isang bagong pasimula. "Sa wakas, nakatanaw na kami ng pag-asa," anila.
Ganito ang karanasan ng sangkatauhan sa pagdating ni Kristo: "nakatanaw ng Liwanag ang bayan matagal nang nag-apuhap sa dilim." Ang Zabulon at Neptali ay lugar ng mga pagano. Sumasagisag ito sa mundong balot sa karimlan. Dito nagsimulang mangaral si Hesus, at sa isang simbolikong paraan, ay naganap sa daigdig ang pangako ng isang bagong pasimula.
Liwanag ang hatid ng pangangaral ni Hesus. "His Word brings truth to light." Sa aklat ng Genesis, ang Liwanag ang unang nilikha ng Diyos. Sa kanyang makapangyarihang salita, nagkaroon ng liwanag.
Ang pangangaral ni Hesus ay isang bagong paglikha. We were re-created by the Word. Binigyan tayo ni Hesus ng bagong buhay at pananaw. Sa Biblia, ang salita ay nagbibigay kahulugan sa bagay. Dahil sa salita, nabibigyan natin ng katuturan ang mga nagaganap sa ating paligid. Mahirap intindihin ang isang sine kapag nawalan ng ‘sound’. Hindi mo mauunawaan ng lubos ang istorya nito kung walang umiimik. Kung ang salita ng tao ay nagbibigay ng kahulugan, gaano pa kaya ang Salita ng Diyos. Ayon sa Vatican II (GS): The Word of Christ sheds light on the mysteries (enigmas) that torment men. Dahil sa Salita ng Diyos, kaya nating basahin ang lahat ng nagaganap sa ating buhay sa liwanag ng pananampalataya. Kaya nating makita ang pagkilos ng Diyos sa likod ng mga pangyayari sa ating buhay.
Ang salita ng tao ay malaki ang impluensiya sa paghuhubog ng karakter ng tao. Ang salita ay nagpapabago sa tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mag-aaral (o disipulo, na ang ibig sabihin ay ‘one who listens’) ay may pangunahing gawain na makinig at mag-aral ng ‘salita’ o aral ng kanyang maestro. Tayong mga nakikinig ay tinatawag na gawing konkreto ang Salita ng Diyos sa ating buhay (=emBODY the Word). "Viva lectio est vita bonorum." (The life of the good is a living lesson.)
Ayon kay John Kavanaugh, isang spiritual writer,:“As long as we breathe, there is more of our lives to open, to unlock. There is always more of us that we might let God enter. There is no end to the ways that the Word of God can fully take on our flesh.”
*Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|