Share the Thought by Msgr. Andro
22 January 2023
 
Madalas sabihin ng mga kabataan ang mga salitang "now na." Ibig sabihin ay agad-agad at hindi na ipagpapaliban ang anumang pagkilos. Sa ebanghelyo ngayon ay ipinahayag kung paano sumunod ang mga unang apostol sa pagtawag ni Jesus. Sina Simon at Andres ay sumunod "noon din." Sina Santiago at Juan ay sumunod "agad." Sa iba pang pagkakataon ay ipinakita ni Jesus na dapat ang pagsunod sa kanya ay "now na." Ganyan din ang ating pagtalima sa Panginoon. Hindi "later" kundi "now na."

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN