 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 24 January 2023 |
| |
|
|
Isang malaking pribileheyo at karangalan ang maituring na kapamilya ni Jesus. Paano ba mapapabilang sa kanyang pamilya? May tugon ang ebanghelyo ngayon. Sinuman ang nakikinig sa Salita ng Diyos at "tumatalima sa kanyang kalooban" ay mga ina at kapatid ni Jesus Ngayon ay Linggo ng Biblia. Pagkakataon na pagtuunan natin ang Salita ng Panginoon. Buong alab tayong magbasa ng Biblia. Buong lalim tayong magnilay. Buong sigsasig tayong magsabuhay. Ituturing tayong ka-pamilya ni Jesus. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|