Share the Thought by Msgr. Andro
25 January 2023
 
Walang dapat ikakalat kundi magandang balita. Ito ang tagubilin ni Jesus, "Humayo kayo at ipangaral ninyo ang ebanghelyo." Sa mundong kalat na kalat ang masasamang balita, ang hamon sa atin ay maging galamay ng Mabuting Balita -- gumaling ang maysakit, nagsisi ang makasalanan, bumalik ang lumayas na anak, nagkasundo na ang magkaaway. Ang mga ito at iba pa ay mga balitang magaganda na dapat nating ikalat upang malaman ng iba at sila man ay sumampalataya rin.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN