Share the Thought by Msgr. Andro
28 January 2023
 
"Tigil...Tumahimik ka." Nakatutuwang mabatid na ang salitang Griego na ginagamit sa pagpapalayas sa masamang espiritu ay siya ring ginamit sa pagpalatigil ng unos. Talagang may kontrol si Jesus sa kasamaan, sa kalikasan at sa lahat-lahat. Paano nga naman ay Diyos siya at magagawa niyang supilin ang lahat ng umiiral. Bakit tayo matatakot sa lakas ng demonyo? Bakit tayo masisindak sa hagupit ng bagyo? Walang sinuman at anuman na dapat katakutan. Kapiling natin ang Diyos. Sa kanya ay suko ang lahat.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN