Share the Thought by Msgr. Andro
03 February 2023
 
Paninindigan. Ito ang isa sa mga paksa ng ebanghelyo. Nanindigan si Juan Bautista sa pangaral na hindi matuwid ang pakikiapid. Nanindigan din si Herodes sa pangakong ibibigay niya anumang hingin sa kanya ng dalaga. Nagulat at nalungkot siya nang hingin sa kanya ang ulo ni Juan. Alam niyang dapat mabuhay ang propeta ngunit tinalo siya ng kayabangan at kahihiyan. Iyon ang maling paninindigan. Kung mapapahamak ang iba, okey lamang na huwag panindigan ang naunang pasya. Di na baleng mapahiya, makapagligtas lang ng buhay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN