|
|
|
IS L O V E Enough ?
|
03 February 2023 |
|
|
Sapat ba ang pag-ibig lamang? Kung sapat ang pag-ibig bakit kay gulo pa rin ng mundo? Kung sapat ang pag-ibig bakit marami pa din nagugutom?
Hindi sapat ang pag-ibig lamang. Importante ang pag-ibig ngunit hindi ito lamang ang kailangan. Bakit madaming pamilya ngayon ang napakadaling nasisira gayung nagsimula naman ang mag-asawa na puno ng pagmamahal sa isa’t-isa? Dahil ang pag-ibig ay hindi lamang isang pakiramdam, isa itong bagay na dapat nating piliin. We choose to love. It is a commitment that we make and we should try our best to honor that commitment. Importanteng may pagmamahal ngunit importante din ang komunikasyon, upang malinaw nating maintindihan ang pangangailangan ng bawat isa. Importante din ang respeto at pang-unawa dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa maganda tayong disposisyon. When we choose to love, we also choose to be with the person we love even on days that we think or feel that it is so hard to love that person. Hindi sapat ang pag-ibig ngunit kailangan natin ito. Hindi ito pwedeng mawala dahil dito nagsisimula at nagmumula ang kagandahan ng mundo. Kung walang pag-ibig mas matindi pa ang kaguluhan at kahirapan sa mundo. Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit ang mga taong naghihirap ay nakakaramdam ng pag-asa. Dahil hindi man sapat ang pag-ibig, kapag nalamnan ang kumukulong sikmura ng nagugutom mula sa taong nagbigay ng pagmamahal sa kapwa, muling nagniningas ang pag-asa nito. Magulo man ang mundo, ang pag-ibig na nararamdaman natin ang bumabalanse dito. Kung may pagmamahal, lahat ng takot at pag-aagam-agam ay naiibsan. Love is not enough but it forms the strong foundation, and together with respect, communication, commitment, humility and other things to support it a sturdy relationship can be made.
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|