Share the Thought by Msgr. Andro
04 February 2023
 
Manhid ang tawag natin sa mga taong di makadama ng ating nararamdaman. Manhid 'yong kita na ang sitwasyon ay wala pa ring ginagawang pagkilos. Hindi manhid si Jesus. Alam niyang napapagod ang mga apostol. Galing sila sa misyon. Dating at dating pa rin ang mga tao. Hindi na nila makuhang kumain. "Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti," sabi ni Jesus. Sana ganyan tayo. Sana unawa natin ang pangangailangan ng kapwa. Sana hindi tayo manhid.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN