 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 05 February 2023 |
| |
|
|
Maalat ang asin at matabang ang tubig, kaya, bagay silang magkahalo. Paano kung pareho sila ng lasa? Wala nang saysay. Walang kabuluhan. Ang Cristiano ay asin sa sanlibutan. Dapat kakaiba siya sa daigdig. Kung "maalat" ang mundo at "maalat" din ang Cristiano ay walang mangyayari. Dapat ay iba ang lasa ng Cristiano sa lasa ng mundo. Para mapawi ang kahalayan sa daigdig, dapat ay malinis tayo. Upang makapangaral laban sa karamutan, dapat tayo ay mapagbigay. Dapat ay "malasa" tayo para sa "walang lasang" mundo. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|