 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Panalo' ni Msgr. Noel |
| 05 February 2023 |
| |
|
Ano ang pagkakaiba ng 'loser' at 'winner'?
"Wala tayong magagawa. Ganyan talaga ang buhay," iyan ang dialogue ng mga 'loser.' Pero ang mga 'winner' sa buhay, ganito ang sinasabi: "kaya natin yan, may magagawa pa."
Tinawag tayo ng Diyos para manalo. Ang buong buhay ng Kristiyano ay pakikipagtunggali laban sa kultura ng pagsasawalang-kibo at kawalang pag-asa. We must resist the culture of indifference and apathy, ani Papa Francisco. Sa harap ng dilim at kabulukang laganap sa iba't ibang larangan ng buhay sa lipunan, tinatawag tayong maging ilaw at asin ng sanlibutan. Ang ilaw at asin ay parehong aktibong elemento: tahasang lumalaban sa pwersa ng dilim at korapsyon.
May paalaala sa atin si Papa Benedicto: "The more we remain different from the world, the more we become relevant to it." Hangga't ang ating gawi at pamumuhay ay nananatiling kaiba sa pagpapahalaga ng daigdig, napapanatili natin ang ating halaga.
Subalit kung magpapadala rin lamang tayo sa agos ng tiwali at makasalanang istruktura ng lipunan, ano pang 'credential' ang maipagmamalaki natin bilang tagasunod ni Kristo?
*Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|