Sa Isang Salita: 'Personal' ni Msgr. Noel
06 February 2023
 
Likas sa atin ang maghangad na mapalapit sa mga taong ating iniidolo. Mahalaga sa atin ang personal na ugnayan. Nais nating makipagkaibigan sa kanila.

Alam ito ng Diyos. Hangad Niya na makatagpo nang personal ang tao. Ayon sa ebanghelyo, nagsusumamo ang mga tao kay Hesus na "pahipuin kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling."

Sa kasaysayan ng pagliligtas, gumagawa ang Diyos ng paraan para 'mahipo' Niya tayo. Ang malaking bahagi ng gawain Hesus ay ministeryo ng paghipo at pagpapagaling.

Sa kabila ng physical distancing sa panahon ng pandemya, patuloy nating dinadanas ang haplos ng pagmamahal ng Diyos. Nagpaparamdam Siya sa atin araw-araw sa pamamagitan ng mga elemento ng sangnilikha at ng mga pangyayari sa ating buhay.

*Lunes sa Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN