 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 06 February 2023 |
| |
|
|
Bago matapos ang Misa ay inanyayahan kong lumapit sa unahan ang mga maysakit. Lahat ay lumapit. Tunay na kayraming mga may karamdaman. Ganyan ang tagpo sa ebanghelyo sa araw na ito. Lahat ng maysakit ay nais lumapit kay Jesus upang makahipo man lang kahit sa palawit ng kanyang kasuotan. Sa Aklat ng mga Gawa ay iniuulat na kahit panyo (19:12) o anino (5:15)ng tagapagpagaling ay may kapangyarihan. Marami ngang mahuhusay na mga doktor ngunit si Jesus pa rin ang pinakamagaling na manggagamot. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|