Share the Thought by Msgr. Andro
07 February 2023
 
Pwedeng nakangiti ngunit masama ang loob. May pagkakataong iba ang pahayag ng bibig kaysa sa nilalaman ng puso. Noon pa ma’y tinuligsa na 'yan ni Propeta Isaias. Inulit pa ni Jesus sa ebanghelyo, "You honor me with your lips but your hearts are far from me." Hindi kabanalan kapag magkataliwas ang salita at ang buhay. Madali lamang humabi ng magagandang kataga. Ang sukatan naman ay ang pahayag ng puso. Ang tunay na banal ay may malinis na puso, may kahalina-halinang salita at may kaaya-ayang buhay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN