 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 09 February 2023 |
| |
|
|
Nakatakdang ilibing ngayon ang dating ST-MSK president ng aming parokya. Siya ay isang ulirang ina. Inialay niya lahat-lahat maging ang kanyang buhay. Iba talaga ang ina. Sa ebanghelyo ngayon ay isang ina na tubo sa Sirofenica ang gumawa ng lahat ng paraan para sa kanyang anak. Kahit mapahiya siya ay handa siyang humarap. Nagbunga ang kanyang panalanging may pagsisikap at pananampalataya. Dakila si Sis. Thess Porta. Dakila ang mga ina. Dapat silang parangalan. Nararapat pasalamatan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|