Share the Thought by Msgr. Andro
10 February 2023
 
Sabi ng mga Batangueno, "Kagaling!" Ibig sabihin ay sobrang buti o sobrang husay. Parang ganoon ang sinabi ng mga nakasaksi at nakabalita sa pagpapagaling ni Jesus sa taong bingi at utal. "Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa..." Ayon sa ilang iskolar ng Biblia, paalaala raw 'yon sa naganap na paglikha sa Aklat ng Genesis. Diyos mismo ang nakakita sa kanyang nilikha. Mabuti ang mga ito at labis siyang nasiyahan. Ikaw at ako ay nakaranas ng kabutihan ng Diyos. Di man tayo taga-Batangas, pwede rin natin sabihin, "Kagaling!"

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN