Share the Thought by Msgr. Andro
11 February 2023
 
Kahit sa tao ay "wala," sa Diyos ay palaging "mayroon." Wala nang pagkain ang mga taong sumunod kay Jesus ngunit nakakain ang may apat na libong katao dahil nagparami ng tinapay si Jesus. Wala namang bukal sa Lourdes kundi damuhang maputik ngunit nasaksihan ni Sta. Bernardita ang pagbukal ng tubig sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birhen ng Lourdes at sa kapangyarihan ng Diyos. Huwag nating sasabihing "wala." Sa tulong ng Diyos ay palaging "mayroong" biyaya.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN