 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 12 February 2023 |
| |
|
Sana'y matagal na tayong bulag. Sana'y matagal nang putol ang ating mga kamay. Buti na lang at hindi literal ang sinasabi sa ebanghelyo. Kung ang mga mata ang ipinagkakasala ay dukutin at kung kamay naman ay putulin. Abunado pa sana tayo sa dalawang mata at dalawang kamay sa dami ng ating kasalanan. Nais ni Jesus na iwasan natin ang mga ugat ng kasalanan. Alam naman natin ang nagbubulid sa impiyerno. Upang hindi magkasala laban sa kalinisan, iwasan natin ang mahalay na panoorin at usapan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|