 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Mahina' ni Msgr. Noel |
| 13 February 2023 |
| |
|
Malimit nating ituring na 'mahina' ang mga taong mababa ang IQ. Sa totoo, higit na mahirap ang maging matalino subalit mahina ang kakayahang bumasa sa mga "tanda ng panahon."
Ganito ang mga pariseo noong panahon ni Hesus: eksperto sa batas at sa kasulatan. Subalit, hindi nila nakita ang pagkilos ng Diyos sa kanilang gitna. Sa dinami-dami ng mga himalang ginawa ni Hesus, ayaw pa ring nilang maniwala. "Walang anumang tanda ang ipapakita sa lahing ito!," ang pahayag ni Hesus.
The question of our age is not, "Does God exist," but "Where is God present?" Ang nagaganap sa paligid ay "lugar" ng pagpapakita ng Diyos. Sa likod ng mga kalamidad sa ating panahon, nagpapahatid ang Diyos ng mensahe sa tao.
Sabi ni Al Gore, "we live in an era of consequences." Nararanasan na natin ngayon ang bunga ng ating kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan. Marami sa ating mga lider ang 'matalino' subalit 'mahina' ang kakayahang bumasa sa mga tanda ng panahon.
"For those who believe, no proof is necessary; but for those who don't, no proof is possible."
*Lunes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|