Sa Isang Salita: 'Kita Kita' ni Msgr. Noel
14 February 2023
 
Sa lahat ng bahagi ng katawan ng tao, kakaiba at natatangi ang puso. Sumisimbolo ito sa ating buong pagkatao. Nagagawa ng puso ang ginagawa ng ibang bahagi ng ating katawan.

Ang puso ay marunong makinig, tumingin at makiramdam. Maari tayong magbingi-bingihan o mabulag-bulagan pero ang puso ay laging handang makinig. May kakayahan itong makita ang di kayang makita ng mata.

Sa sineng, "Kita-kita," pinatunayang ang pag-ibig ay hindi bulag. Kita nito ang hindi kayang makita ng mata. Our heart does not lose sight of what our eyes cannot see.

Hindi lang para sa romantiko ang araw ng mga puso. Ito ay para sa lahat ng nananalig. Faith is the language of the heart. Ang wagas umibig ay tapat ding manalig. Kita niya ang mga ayaw tingnan ng mundo. Tanaw niya ang walang puwang sa lipunan.

Kita kita. Kaya nating sabihin ito sa mga nawawala at nakakaligtaan kapag taglay natin ang puso ni Kristo.

Happy Puso Day mga Kapanalig at Katiwala ??

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN