 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Hakbang' ni Msgr. Noel |
| 15 February 2023 |
| |
|
Hindi nagaganap nang isang iglap ang pagbabago ng puso. Unawa ni Hesus ang masalimuot na proseso ng pagtahak sa daan ng pagsunod. Tunay ngang mahirap bumitaw sa kinamihasnang gawi at kaisipan.
Ito ang inilahad ng isang kakatwang istorya ng pagpapagaling ni Hesus ng bulag sa ebanghelyo ni San Marcos. Walang naganap na 'instant' healing. Dumaan ito sa mahabang proseso. Sa isang taong matagal na nabuhay sa dilim, maaari nga namang hindi pa siya handang tumingin sa nakasisilaw na liwanag.
Ganito rin ang istorya ng ating buhay-pananampalataya. May kaakibat na pagsubok at hamon sa ating daraanan. Pero ang mahalaga, nandiyan lamang si Hesus sa ating tabi. Sinasabayan tayo sa bawat hakbang tungo sa ganap na pagtugon.
*Miyerkules sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|