Share the Thought by Msgr. Andro
16 February 2023
 
Sino ba ang sinabihan ni Jesus na Satanas? Akala natin ay si Pedro dahil siya ang kumakausap sa Panginoon. Ang totoo'y hindi siya kundi si Satanas mismo. Ang demonyo ay katungggali ni Jesus. Hadlang siya sa mabuting gawain ng Panginoon. Sumapit na tayo sa gitnang bahagi na nag-uugnay sa dalawang malalaking bahagi ng ebanghelyo ni San Marcos. Sinimulan na ni Jesus na ipahayag ang kanyang sasapitin upang iligtas ang tao. Ayaw iyon ni Satanas. Ayaw niya sa krus. Kapag ayaw natin sa paghihirap, baka masabihan din tayong "Satanas."

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN