 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Kilala' ni Msgr. Noel |
| 16 February 2023 |
| |
|
Sa isang nananalig, hindi sapat ang "may alam;" kailangan ding "may pakialam." Sa tuwing ipinapahayag natin ang "Sumasampalataya," isinasangkot natin ang ating buhay sa simulain ng ebanghelyo ni Kristo.
Hindi nagtapos ang pag-aalagad ni Pedro sa pagpapahayag niya na si Hesus ang Mesias. Sinundan niya ang daan ng Krus na tinahak ng kanyang Guro. Sa buhay at kamatayan, pinangatawan ni Pedro ang kanyang pananampalataya.
Gayundin naman tayo. Ang pagpapahayag ng pananampalataya ay hindi lang dapat manatili sa Lingguhang ritwal at mga seremonyas. Ang ating lipunan ang "lugar" ng pakikipagtunggali upang paghariin ang mga pagpapahalaga ng ebanghelyo.
Hindi pa natin totoong 'kilala' si Hesus kung wala tayong pakialam sa nagaganap sa ating lipunan. Hindi natin 'kilala' si Hesus kung mananatiling nakapinid ang ating pandinig "sa panaghoy ng mga dukha at ng kalikasan."
*Huwebes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|