 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 17 February 2023 |
| |
|
|
Huwag nating hahanapin si Cristong walang krus. Baka ang matagpuan natin ay krus na walang Cristo. Hindi maihihiwalay si Cristo sa krus. Hindi rin maihihiwalay ang krus sa Cristiano. Ito ang pahayag ni Jesus sa ebanghelyo. Ang nagnanais sumunod sa Panginoon ay nararapat magpasan ng krus. Mabigat ang krus ngunit may lakas na mula kay Jesus upang ito ay kayanin natin. Sa likod ng krus ay may tagumpay. Kapag napapako at namatay tayong kasama ni Jesus, mabubuhay din tayong kasama niya. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|