 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Pagpanaw' ni Msgr. Noel |
| 17 February 2023 |
| |
|
Hindi tayo nanghihinayang sa kandila habang ito ay natutunaw. Dito nagkakaroon ng katuturan ang kanyang pag-iral. Kailangan nitong maubos para makapagbigay ng liwanag. Bahagi ng batas ng kalikasan ang pagkawala at kamatayan. Ito ang tanging daan sa buhay at kaganapan.
Isang internet post ang nagpahayag ng ganito: "Rivers do not drink their own water. Trees do not eat their own fruits. The sun does not shine to itself, and flowers to not spread their fragrance to themselves... Living for others is the rule of Nature. We are all born to help each other."
Ang pangunahing bokasyon ng isang Kristiyano ay magmahal. Sabi ng isang awit: "Ang pumanaw sa sarili ay mabuhay sa pag-ibig."
Ito ang kahulugan ng ipinahayag ng Panginoon: "Ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon."
*Biyernes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|