Share the Thought by Msgr. Andro
18 February 2023
 
May liwanag sa likod ng dilim. May korona sa likod ng krus. Ito ang mensahe ng pagbabagong-anyo ni Jesus. Ang salitang Griego tungkol sa bagong anyo ay kaugnay ng salita ukol sa anyo ni Jesus nang siya sy muling nabuhay. Ibig sabihin, nang magbagong-anyo ang Panginoon ay nahayag na ang luwalhati ng kanyang muling pagkabuhay. Ito ay pampalakas-loob sa mga alagad na natakot matapos marinig ang hirap at kamatayang sasapitin ni Jesus. Tayo rin ay pinalalakas. May tagumpay sa likod ng mga paghihirap.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN