Sa Isang Salita: 'Kamao' ni Msgr. Noel
19 February 2023
 
Ang poot ay tulad ng matalim na bagay na hawak natin sa nakatikom na kamay. Habang hinihigpitan natin ang paghawak dito, lalo tayong nasasaktan. Subalit sa sandaling ito ay ating bitawan, nawawala ang sakit at nararanasan natin ang kalayaan. Tama ang sinabi ng isang may akda: 'Forgive your enemies not because they deserve your forgiveness but because you deserve peace.'

Hindi magagawa ng nakatikom na kamao ang tumanggap o magbahagi ng biyaya. Ang saradong kamao ay simbolo ng karahasan at pananakit. Ang sagisag ng isang Kristiyano ay ang palad na nakabukas - handang tumanggap at magbigay; handang kumalinga at magpatawad.

Ang galit ay maaaring maging bisyo. Mahirap kumawala sa bisyo ng poot at karahasan. Nauuwi ito sa paghihiganti at walang tapos na sisihan. Isa lang ang susi para makalaya sa bisyong ito: ang pasyang magpatawad.

Malalim ang paghuhugutan ng isang Kristiyano para magawa nating magpatawad: tayo ay may Ama sa langit na sa atin ay unang nagmahal at nagpatawad sa lahat.

*Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN