Sa Isang Salita: 'Journey' ni Msgr. Noel
23 February 2023
 
Ang pagpapakabuti ay hindi nangyayari nang daglian. Kailangan ang palagiang pagsasanay. Sabi ni Aristotle: "Excellence is not an act; it is a habit." Mapapatunayan lamang natin ang galĂ­ng ng isang tao - na hindi lang ito 'tsamba' - kung ito ay nagaganap nang palagi.

Sa ebanghelyo, ang tagubilin ni Hesus: pasanin ang krus "araw araw." Ang ginagawa natin palagian sa bawat araw ang humuhubog sa atin bilang tayo. 'We become what we do.'

'Journey' o paglalakbay ang tawag natin sa Kuwaresma. 40 na araw ang ating Lenten journey. Ang salitang ugat ng journey ay French word, 'jour', na ang kahulugan ay 'araw'. Dito rin nanggaling ang salitang 'journal.' Ibig sabihin nito, ang Kuwaresma - at ang ating buong buhay - ay isang paglalakbay (journey). Each day of our life matters.

Bawat araw ay mahalaga; bawat araw ay isang hakbang upang - tulad ng mga Israelita na naglakbay ng 40 taon sa ilang - ay marating natin ang lupang pangako, ang Diyos na ating hantungan.

Let us make each day of Lent count.

*Huwebes pagkatapos ng Miyerkules ng Abo

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN