Share the Thought by Msgr. Andro
02 March 2023
 
Mabuti lamang ang ninanais ng ama para sa kanyang anak. Madaling unawain ang ebanghelyo. Walang amang magbibigay ng bato sa anak na humihingi ng tinapay o ng ahas sa humihingi ng isda. Ang Diyos ay ating Ama. Mahal niya tayong kanyang mga anak. Hindi siya magbibigay ng masamang bagay sa atin. Ayaw niyang tayo ay mapapahamak. Lahat ng ating ikabubuti ang kanyang kaloob. Magtiwala tayo sa kanyang kabutihan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN