 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Plastik' ni Msgr. Noel |
| 03 March 2023 |
| |
|
Bawal na ang plastik sa mga palengke at ilang tindahan. Ang dahilan: nagdudulot ito ng pinsala at polusyon sa dagat at kapaligiran. Sa ebanghelyo, may babala laban sa kakaibang uri ng plastik: ang pagpapaimbabaw. Tulad ng una, nagdudulot din ito ng pinsala sa ating espiritu at pagkatao.
"Kung ang inyong kabanalan ay hindi hihigit sa kabanalan ng mga eskriba at pariseo," ani Hesus sa ebanghelyo, "hindi kayo karapat-dapat sa paghahari ng Diyos." Ang ugaling pariseo ay nagtataglay ng katangiang superpisyal, pakitang-tao, panlabas at mapagmataas.
Sa kabilang dako, ang minamahalaga ng Diyos ay hindi ang anyo kundi ang puso. Ang kabaitan at kabanalan ay hindi lamang nakikita sa mga panlabas na seremonyas ng pagsamba kundi sa tamang asal at uri ng buhay. 'He who prays well lives well; he who lives well prays well.'
Iniuugnay ng Kuwaresma ang gawaing pangkabanalan sa aktibong pakikisangkot sa pagpapanibago ng lipunan. Ani Papa Francisco: "We who worship in the Church cannot remain uninvolved in the world."
Pagnilayan natin ang pinag-uugatan ng mga problema sa lipunan na malimit ay may bahagi tayo. Ayon kay Gandhi, the "7 capital social sins are: wealth without work; pleasure without conscience; science without humanity; knowledge without character; politics without principle; commerce without morality; worship without sacrifice."
*Biyernes sa Unang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|