 |
| |
| |
| Sa Isang Salita: 'Walang Kapalit' ni Msgr. Noel |
| 04 March 2023 |
| |
|
Pag-ibig na handang magtiis at magdusa ang tema ng isang awitin ng OPM icon na si Rey Valera: "Huwag mangamba, hindi kita paghahanapan pa ng anumang kapalit sa inalay kong pag-ibig..."
Hindi mapaghanap at hindi naghahangad ng gantimpala ang wagas na pag-ibig. Sa lenguahe ng isang pilosopo: "love is always self-transcending, never self-fulfilling."
Ganito ang pag-ibig ng Diyos: walang 'boundary,' hindi lang para sa mga nagdarasal sa kanya, kundi para sa lahat. "Pinasisikat niya ang araw at pinapapatak ang ulan hindi lang sa mga matuwid, kundi pati sa mga makasalanan."
Ito ang Kristiyanong pamantayan ng pag-ibig: kahit ang itinuturing na kaaway ay dapat sakop ng ating paglingap.
Walang kapalit. "Anong gantimpala pa ang kanilang hihintayin" kung sa ating pagmamahal at pagdamay umaasa tayonng gantimpala.
Ngayong panahon ng Kuwaresma, buwagin natin ang istruktura ng kasalanan sa lipunan. Maging matatag tayo sa pagsalungat sa kalakaran ng mundo. Sa pamantayan ng pag-ibig, ang paglilingkod ay walang kapalit: walang suhol, balato at porsyento.
*Sabado sa Unang Linggo ng Kuwaresma |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|