 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 07 March 2023 |
| |
|
|
Salitang walang gawa. Walang saysay 'yan. Sa ebanghelyo ay tinuligsa ni Jesus ang mga eskriba at Pariseo. Hindi nila ginagawa ang kanilang ipinangangaral. Hungkag ang salitang hindi sinasamahan ng magandang halimbawa. Mas mabuti pa ang gawang walang salita. Wika nga ng isang banal, "Preach. If necessary use words." Pwede nga palang mangaral kahit walang pahayag ang bibig. Mas matindi kapag buhay mismo ang nangangaral. May pagsaksi. May pagkilos. May halimbawa. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|