 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 08 March 2023 |
| |
|
|
Alamin mo kung bakit hindi ka pinagbubuksan. Baka sa maling pinto ka kumakatok. Ganyan din ang panalangin. Baka mali ang ating hinihingi, kaya, hindi tayo binibigyan. Sabi ni Jesus sa magkapatid na Santiago at Juan at sa kanilang ina, "Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi." Madalas ay ganoon din tayo sa pagdarasal. Hindi natin naiiisip na kapahamakan ang ibubunga ng ating kahilingan. Paano tayo bibigyan ng patalim kung ito ay ating ikamamatay? Maling dasal. Itama natin para pakingggan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|